#OLAMEXICOPAKYUKAYO Trend Controversy - Marcelo Santos III
  • #OLAMEXICOPAKYUKAYO Trend Controversy

    Kahapon ang laban ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez. Ito na ang ikaapat na paghaharap nila sa loob ng boxing ring. Pero sa kasamaang palad, natalo ang ating pambansang kamao (Knockout sa Round 6)

    Ito ay nagdulot ng kalungkutan sa mga tricycle drivers na huminto sa tapat ng karinderya, makanood lamang, mga konduktor at pasahero ng bus na bumabyahe sa EDSA, mga empleyadong nakatutok sa livestreaming sa internet at sa mga taong umaasa sa livetweeting tungkol sa laban ni Pacman.

    Lahat sila ay nalungkot sa kinalabasan. May mga taong tanggap ang pagkatalo. May mga taong sinasabing dinaya at marami pang dahilan.

    Pero sa mundo ng Twitter, may isang pangyayaring, hindi mo masasabing maliit o malaki, pero para sa akin ay may malaking impluwensya dahil nga, nabubuhay na tayo ngayon sa makabagong henerasyon.

    Nagtrend ang #OLAMEXICOPAKYUKAYO (Ola Mexico Fuck You Kayo) sa Philippines at Worldwide.

    image

    Hinanap ko kung paano at saan nagmula ang nagtrend na ito. May isang twitter user daw na taga-ibang bansa ang nagtrend ng ”Sufro Como La Esposa De Pacquiao” na ang ibig sabihin ay “Suffer like Pacquiao’s Wife”

    Hanggang may isang twitter user naman dito sa Pilipinas ang nagpasimula ng trend.

    "#OLAMEXICOPAKYUKAYO - tweet nyo yan! damihan nyo! KATARUNGAN PARA KAY JINKEE!!! lol"

    Dahil maraming followers ang naturang account, madali itong umakyat sa trending list sa Pilipinas. Dahil na rin sa iba nating kababayan na nalungkot sa laban ni Pacquiao, niretweet nila ito at nagpost ng mga kung anu-ano habang may hashtag sa dulo.

    Pero umani ito ng kabi-kabilang batikos:

    Gerald Santos ‏@OhGerald:#OLAMEXICOPAKYUKAYO - Just because we lose doesn’t mean we have o bash and insult the opponent. Learn to respect. #PrayForManny

    Indie Lister ‏@indieLister:#PacMarquez Manny was a class act after being gracious in accepting defeat. Can’t we all be the same say #NO to #OLAMEXICOPAKYUKAYO.

    Dapat Tama ‏@DapatTama: Ang trending topic na #OLAMEXICOPAKYUKAYO ay #MalingMali. Si Manny Pacquiao, nagpakita ng sportsmanship, dapat tayo rin. #DapatTama

    ANTI FAMEWHORE ‏@anti_famewhore:#OLAMEXICOPAKYUKAYO should never be praised. The last time I checked, Filipinos hate racism and its sad that my brothers initiated it.

    Rocky Zafranco ‏@ROCKSadoodles:I don’t get it. Why hate the race and the country? Immature. Is that what you call “sportsmanship”? #OLAMEXICOPAKYUKAYO

    Tayong mga Pilipino, kilala tayo sa pagiging magalang na tao, actually, tayo lang yata ang may salitang paggalang tulad ng “po” at “opo”

    Sabi niya, opinyon lang daw niya yun. May opinyon bang halatang halatang pambabastos? Yung sasabihin mo pa sa ibang tao na ikalat ang opinyon mo? Kung biro lang ito, bakit mo nireretweet ang mga tweets na may ganung hashtag? Proud?

    Hindi ako palapatol sa mga ganitong issue pero lahat ng tao sa social media - o kahit sa labas ng mundo ng internet, ay reponsable sa lahat ng mga ginagawa o sinasabi nila. Hindi sa pinipigilan kitang sabihin ang mga gusto mo o ng sinasabi mong “Opinyon” pero nandito ako para sabihan ka (at sa lahat ng makakabasa nito) na:

    Hindi dahil nasa demokratikong bansa ka, pwede mo nang sabihin ang lahat ng gusto mo. Wag abusuhin ang kalayaang ito. Gamitin mo ito sa tama. Hindi ito pribilehiyo para mantapak ng ibang tao.”